Brain power contest…

Happy weekend sa lahat! Honga pala eto na yong pramis ko na pakontes. Una sa lahat ipaalam ko muna yong premyo.
1. Domain name at eto yong extension: com, net, us, org, info [after one year ikaw na ang mag renew]
2. FREE Hosting for life… pede ka mag ask ng space hanggang 350MB

Note: yong control panel na ibigay ko sayo ay walang fantastico, so manual yong pag install ng WP, anyway i can help naman. As long marunong ka gumamit ng FTP yan ang pinaka importante. Kahit anong FTP ang gagamitin.

Eto yong game, tignan natin sino yong pinaka super kids. Pero bago ang tanong mag bigay muna ako ng halimbawa para maiintindihan nyo rin ang game na ‘to. LOL

Eto yong halimbawa:
Kapag narinig mo ang tatlong sumusunod na mga salita sa ibaba ano ang nasa isip mo?
a.Race b. Rodeo c.long face

at eto ang sagot: HORSE o KABAYO [ getz nyo diba?!]

Eto yong tanong ko na dapat nyong sagutin:

1. Kapag narinig mo ang tatlong sumusunod na mga salita sa ibaba ano ang nasa isip mo?
A. Roots B. Juice C. Rabbit

Ano ang sagot….

Note: isang salita lang yong sagot, hwag mo na gawang pangungusap ang bawat salita.

paunahan lang po ng sagot ha!

Good luck sa manalo.

Visit nyo rin new site ko for link ex… sa sinong gusto lang ha!

  • 29 Comments
  • Filed under: Winter
  • pakontes at new site kow…

    Muzta sa inyong lahat!

    Simula nung nag umpisa ako ng blogging kapag birthday ko at christmas may pakontes ako dito sa bloggie ko. Shempre yong premyo ay domain name with FREE hosting na.

    So, abangan ang next update ko sa Friday, tignan natin sino ang mananalo hehehe..

    May appointment pala ako bukas sa OB buti nalang tsinek ko yong maternity booklet ko. Hirap na, pag di mo siputin ang appointment may penalty. Excited na naman akong makita ang babies ko, every two weeks akong dumadalaw sugo ng OB ko.

    Honga pala, may new bloggie ako kunti lang yong mga ka link ex ko dun. Sinong gusto ng link exchange paki bisita sa new blog ko eto sya s0-cute.net

    Whew! lamig sa labas grabeh! at isa pa naka tayo na yong christmas tree ko pero di ko pa nakabit yong mga dekorasyon hehehe on and off sa pag tatrabaho, tamad noh! LOL

    O cge hanggang dito muna at mag bablog hop pa ako hehhehe

  • 22 Comments
  • Filed under: Winter
  • Sa wakas medyo na kontento ako sa header ng layout ko ngayon. Simple lang sya at light ang kulay diba. Haaay… ka ek-ekan sa blogosphere. LOL

    Ang lamig sa labas at nakaka tamad. Ganito talaga ang buhay kapag winter na mimiz mo yong sikat ng araw. Da best talaga ang weather sa pinas pwera lang pag umulan baha naman hehehe

    Bigla na namang nawala ang modo ko, ewan ko ba baket ganun siguro dahil sa hormones ko noh? Kaya buong araw ngayon di tumawag si hubby kase pag alis nya kanina as in tinupak akong bigla na ewan ko ba, basta bigla nalang. Kaya yon di tumawag si hubby kase alam nya, di basta bastang maalis agad ang tupak ko at ma bagsakan ko lang sya sa telepono. Di rin ako tumawag ma pride ang lola. Ako na ata ang piinaka tupakin na buntis, ngaak!

    Honga pala sinong mahilig ng pet, eto adapin nyo muna si churchill ngayong pasko, eto yong CODE [copy paste] sa site mo.

    Pasko na talaga noh?! baka next week itayo ko na ‘tong christmas tree ko. O cge ’till here muna ang chicka, bloghop muna ang lola.

  • 39 Comments
  • Filed under: Winter
  • SweetKendi

    I Joined

    BisdakPlanet Foundation aims to help our less fortunate “kababayans” and is dedicated to helping the Filipino children.

    Litratong Pinoy

    Archives

    Categories

    Visitors


    Author


      Hello I'm a mother of identical twin boys Marc and Mike. Yeah,double blessing but also a double challenge. My house is still a mess!
      -One of the coolest parts about being a mom of twin boys is that I have an escort for each arm.- (N.T)

    MacMik Logo

    • Recent talks:

      • Lhyz: hi te ethel! hope u still remember me.. hehe Lhyz po..sobrang tagal na..friend ni valerie if u remember...
      • Liezl: Hi thel, liezl ni. Basa-basa lng ko imo mga posts diri ug sa fb :) big boys na ang kambal gayud…kanus-a...
      • AL: lahat ng updates ko nakadraft hahahah… wala din kasi along time. add mo ako sa fb…...
    • Recent Trackbacks: