28 Jul
Natanggap ko kanina yong inorder ko na Mary Kay from Carlota.
Nung hwebes dumating sa bahay ni hubby sa Lux city, eh alang tao dun kaya notice nalang yong
iniwan sa mail box. Type ko ang tumira sa country side (small city) keysa big city, ang ingay dun sa Lux city daanan
pa ng eroplano hehehe…Minsan magugulat kapa kala mo bumagsak ang eroplano sa roof top. LOL

Kanina nag drive pa kami from our new home 45 minutes to Lux city, para kunin ang package.
At buti nalang sinama ko si hubby, sya mismo ang kumuha sa post office kase wrong
spelling yong apilyedo hehehe letter H dapat yan hindi K. LOL

Bah, may advertisement pa ang lola…sabagay base lang sa eksperyens ko in MK products. Ang masasabi ko maganda sya, bumabagay kase sa kutis mo.
Honga pala, inayos ni hubby ang lappy ko, at sa wakas matino na. Ang bait talaga ni hubbytot, inayos lappy ko at sya ang magbabayad sa inorder ko kay sis Carlota. LOL
25 Jul
Ewan, anong nangyari sa lappy ko, kaya eto tinamad mag update.
Gusto ko sanang ayusin ‘tong layout na ‘to, kaso lang nakaka high blood
ang laptop na ‘to. Malapit ko na talagag itapon.
Nagkulay ako sa mga lineart ko, pero eto lang ang natapos ko kase
pinahirapan pa ako pati PSP, instead kelangan ko ang brush, eraser ang lalabas at
yon nabubura lahat. Ewan, baka nagka virus ‘to.

Yong isang site ko, di pa natapos the-princess.us, isip kong tapusin pero pag
naka upo na ako sa harap ng lappy ko, iba ang nasa isip ko mag pixelling at
eto tinupak ang laptop ko ngayon, tuloy walang nagawa.
Mas mabuti siguro, matulog nalang ako ng matulog baka tumaba pa ako.
I heard pag preggy daw sarap kumain, naks bakit ako hindi, nahihirapan ako sa pagkain
ngayon, lahat hindi masarap. Kahit gutom ako, pilit ko pang isubo yong pagkain
para magkalaman lang yong sikmura ko. Hindi naman ako nasusuka basta wala akong
interest sa pagkain ngayon. Pinipilit ko pa yong sarili ko na kumain. Haay!
20 Jul
Nung isang araw sobrang sakit ng ulo ko, ganun ako kapag sobrang nasaktan yong kalooban ko.
Pero ngayon medyo okay na ang pakiramdam ko.
Minsan sa ugali natin, kahit sobrang understanding ka, may mga bagay din na nasasaktan ka o nakakasakit sayo. Sana man lang, kahit anong tingin mo sa isang tao, kelangan talaga natin ang konting respeto para e respeto ka rin.
Siguro kung ako’y isang bastos na pagka tao, dapat hindi ganito ang topic ko ngayon.
okay!
Doggy ko kapag natutulog sya, minsan ganito ang posisyon hehehe oops!
nakita yong botlog. LOL


Happy weekend sa lahat sana may sunshine ang weekend namin dito. Haay!
Recent Comments