It’s twins…

Galing ako sa OBE kanina, ouch! 8 tubes yong kinahang dugo sakin.

And here’s the result of my first scan, and guess what? It’s twins.
Yup! tama ang nabasa nyo KAMBAL ang dinadala ko. WAHOOO…


Makikita nyo maliit pa ang twins at sabi ni doc maaga pa daw ang scan, kaya may
appointment uli ako next week.
Nang sinabi ng Dr. na two babies napasigaw si hubby sa tuwa at yong smile nya
lagpas sa tenga, at shempre mas lalo na rin ako hehehe…

Ang bait talaga ni LORD doble yong blessings na binigay samin. Thanks GOD!

Tumawag si hubby kay MIL (mother inlaw) parang local phone lang sila nag uusap
kung tutuusin nasa bakasyon yong parents inlaw ko. Napasigaw din sa tuwa si MIL, kase
yong first apo nya (anak ng sister ni hubby) ay kambal din, tas ngayon samin ni hubby ay
kambal din, as in tuwang tuwa ang buong pamilya ng asawa ko.
Lahi nila ang may kambal (pinsan din nya) at ganun din sa pamilya ko.

Natawa pa ako, kase sabi ni MIL, pinag sasabi na raw nya sa mga kaibigan nya dun, na
maging grandma uli sya at pang siyam na apo, ngayon uulitin daw nyang e announce sa
mga friends nya na pang sampu pala hahaha…

Super excited ni hubby…
Gusto na raw nyang bumili ng damit yong pang uni sex at bibili daw sya ng sticker na “baby on board” at ilagay daw nya sa kanyang kotse hehehe…
Ako naman, shempre excited sila ako pa kaya hehehe…iniisip ko na ang maging hitsura ng
twins room and their things. LOL


Binigyan ako ng maternity card at vitamins.
Sa ngayon parang baligtad ang pag tulog ko, sa gabi di ako masyadong maka tulog kase parang
naiinitan ako at nalalamigan hehehe at sa araw naman sarap talaga ng tulog ko.

Guys, salamat sa dalaw at psensya di ako naka bloghop last time, kaya babawi ako ngayon. LOL

EDIT://
“Sometimes there’s a thing it’s kinda hard to forget.
For me, it’s not easy to scan my past specially of my first pregnancy. Anyone who mention it, I thought of how my heart was broken that time.

Aside, you don’t know ME in real!

There’s a joke can be funny, but there’s a thing in life you cannot make a joke! ookay?!
Sorry if there’s a comments not publish here… (sad)

I should be happy for now… new found happiness and blessings, but why am I being so fearful? If you read my past, you know the reason. So, please let the wound heal.”

comments off!!!

  • 3 Comments
  • Filed under: Summer
  • spoofing…

    Kahapon nabigla kami sa balita ng mom inlaw ko. Nasa south of France kase sila since spring, uuwi lang yon pag end ng autumn.

    Etong si dad inlaw, mahilig mag shopping online. At eto nabiktima sya, yong binilhan pala nya na site ay isang spoofer ibig sabihin nanggaya ng ibang shopping online pero fake pala yon. Etong si FIL (father inlaw) walang ka malay malay. Nagulat nalang sya dahil tumawag yong Luxembourg bank at sabi Mr.S nasa limit na yong visa expenses nyo. Shempre di naniniwala si dad kase hindi naman mamahaling bagay ang binili nya. At siguro nag doubt yong bank kaya binlocked yong card ni FIL.

    Ayon, pagdating ng bill… 9,000 Euro (nine thousand) yong amount galing sa visa card. Shempre laking gulat nya, kase di sya nag shopping online ng ganung halaga. Ngayon nasa imbestigasyon ang lahat between Lux bank at yong company bali e trace nila kong sino ang gumamit sa visa card ni dad. Pano kung hindi kinut ng bank yong visa ni FIL, sobra pa sa 9,000 yong makuha, dito kase kapag good customer ka sa bank kahit above the limit pa yong expenses mo, pag bigyan ka.

    Salbahis talaga ang gumawa nun. Kaya sinong mahilig mag shopping online, talagang ingat tayo.

  • 26 Comments
  • Filed under: Summer
  • constipation ..

    TAGay galing kay Monica, eto na sis ginawa ko na. 8 things about myself.
    1. Proud na proud ako na isang bisaya dahil marunong akong mag tagalog. hehehe.
    2. Marunong ako sa salitang arabic, German, French at Luxembourgoise, pero asahan nyo barok ‘to hahaha…
    3. Kahit saang sulok man ako sa mundo, I’m proud pinay!
    4. Super maldita ako kay hubby, basta ewan. I love him soo much more than myself.
    5. Madaldal akong mag maneho, lalo na yong sinusundan ko na mabagal mag drive sarap bumaba at sabunutan.
    6.Mahilig ako sa Christian music.
    7. Mahiyain ako sa umpisa, pero pag nakuha mo kiliti ko siguradong maiingayan ka sakin. LOL
    8. I love travels, nahawa lang ako kay hubby.

    Hindi ko na ‘to ipasa kase sa tingin ko halos lahat meron nang ganitong tagay.


    I’ve always had a constipation problem. So, my doctor has prescribed me with Movicol.
    So, all in all, my toilet habits finally… farting was so massive, even churchill left the room to get away from me (ang arte).
    The other thing is…I eat high fiber foods and drink lots of water. Yeah, I pee a lot. Malapit ko nang ibulsa ang toilet bowl ko. Haay!
    Btw, I’m soo excited for my first scan, which is next week.

    Happy weekend sa lahat!!!

  • 30 Comments
  • Filed under: Summer
  • SweetKendi

    I Joined

    BisdakPlanet Foundation aims to help our less fortunate “kababayans” and is dedicated to helping the Filipino children.

    Litratong Pinoy

    Archives

    Categories

    Visitors


    Author


      Hello I'm a mother of identical twin boys Marc and Mike. Yeah,double blessing but also a double challenge. My house is still a mess!
      -One of the coolest parts about being a mom of twin boys is that I have an escort for each arm.- (N.T)

    MacMik Logo

    • Recent talks:

      • Lhyz: hi te ethel! hope u still remember me.. hehe Lhyz po..sobrang tagal na..friend ni valerie if u remember...
      • Liezl: Hi thel, liezl ni. Basa-basa lng ko imo mga posts diri ug sa fb :) big boys na ang kambal gayud…kanus-a...
      • AL: lahat ng updates ko nakadraft hahahah… wala din kasi along time. add mo ako sa fb…...
    • Recent Trackbacks: