Hindi ako nakapag bloghop sa weekend, may pinagka busyhan kase :)
Kahit ngayon busy din, pero update pa rin kahit walang kwentang
update. LOL

Weekend namin as usual malamig :) pero dumating yong snow. Kala ko tao lang yong mag
e enjoy ng snow pati rin pala hayop hehehe…

Siguro tinikman din ni churchill yong snow hehe… kase pati nguso nya may snow flakes. :)
pero pag pasok nya sa loob ng bahay kalbaryo ko naman yong sunod ng sunod sa paa nya
lalo na pag dumiretso sya sa may carpet, argh! todo linis naman ako. At least hindi putik
basa lang yong sahig kaya sinusunod ko sya ng mop. :)

At naka pwesto pa sa sofa tulog. Swerte nang asong ‘to
binibebe sobra. Sabi nga ng friends namin kapag may baby na raw kami tiyak
magseselos ‘tong aso namin, haay naku! Kahit hugging hugging nga lang kami ni
hubby nagagalit na si doggy. Siguro kung may aso kayo, alam nyo pano sila
mag seselos. At isa pa, as in parang toddler din sila.
Minsan, kapag nakita ni doggy na hawak ko na ang car key, kumakahol na sya
ibig sabihin sasama sya. Kapag nakita nyang nag suot ako ng jacket, shoes o sinasarado
ang mga pintuan, o kaya marinig nya yong salitang lets go namin ni hubby. Sobrang
ingay talaga ni doggy.

May lakad pa kami ni hubby, kaya maya na ako mag hoping pag uwi, pramis babawi ako senyong lahat.
Labyo all and happy Monday!!!

  • 57 Comments
  • Filed under: Daily Post
  • Yay! Friday na naman…


    Its Friday everyone! Yahoooo!
    Medyo masakit ulo ko ngayon, siguro dahil sa isang boteng san miguel beer na
    ininom ko kagabi. Hindi ako sanay uminon pero napilitan lang kagabi.

    Kase etong si hubby ang aga inantok na. Ako naman na sobrang duwag
    sinabayan ko na rin si hubby matulog ng maaga. Kahit gusto ko pang mag computer,
    pero naghahari yong pagka matakutin ko, ako lang mag isa sa computer room,?!
    no way! takot ako sa mumu.
    Humihilik na yong katabi ko, pero yong mata ko maliwang pa sa flashlight. Ginising ko si
    hubby sabay sabi di ako makatulog. Sabi nya bilangin ko raw buhok ko hanggang sa mapagod
    at makatulog. Kakaibang payo nya noh?! Kumakanta ako, nasa ilalim pa ng kumot takot
    sa dilim eh, pero kahit kumanta na nga ako, humihilik pa rin si hubby.

    Kaya naisipan ko yong isang boteng beer na matagal ko nang binili sa asia shop, 2 months na ata.
    may nagsabi kase sakin na nakakatulong daw ang beer kapag may dismenorya, pero
    di ko naman sinubukan kase ayaw ko nga sa lasa. Dahil sa wala akong maisip na paraan kagabi,
    yon nga. Ginising ko uli si hubby para samahan nya ako na kunin yong beer, sumagot nga pero
    wala akong naiintindihan sa pinagsasabi nya, tulog eh. Kaya tinawag ko nalang si
    churchill (doggy) lumapit naman, ayon sinamahan ako sa kusena.

    Lahat ng lights nakabukas tas patakbong pabalik sa bed. Etong si hubby paiba iba
    ang tunog ng hilik nya, may hilik pa na naka buka yong baba, muntik ko nang
    painumin ng beer. Pero na konsensya ako kaya di ko na tinuloy.
    Umepek yong beer, nakatulog ang lola, sinabi ko kay hubby “pam” din yong beer
    pampatulog.

    Eto piniktyuran ko pa ang bote :) di rin pahuli ang buddy ko sa camera.
    Well, I just wanted to wish everyone a happy Friday! Labyo all…

  • 61 Comments
  • Filed under: Daily Post
  • my five secrets…


    My five(5) secrets!
    TAGay mula kay Shoshana. Gurl, mabisto na jud ko ani pag-ayo.

    1. May Keloid ako sa dibdib, kaya di ako nag susuot ng damit na sobrang open sa harap.
    Kahit anong klaseng damit na sexy pede kong suotin basta hwag lang yong showy ang bulkan.

    2. Kapag nasa mesa ako o sa harapan ng pc, nakapatong yong dalawang paa ko sa upuan,
    feel ko ang blog hoping kapag ganyan ang posisyon ko.
    Na,yong tuhod at baba nag abot tas minsan natutuwad pa dahil ma out balance ang lola,
    yong klaseng upuan ko kase umiikot sya ayon isang beses natuwad ako. Buti nalang
    walang nabali sa buto ko.

    3. Ka klase ko sa French noon nanligaw sakin tomboy sya. Pero ngayon wala na lumipat
    ako ng school.

    4. Bagong kasal ako 2003, nakuha ni hubby yong password ng hotmail account ko. Tas nabasa nya yong mga love letter galing sa mga ka bf - bf- fun ko dati sa net. Pinrint nya tas binasa
    sa harapan ko. Kaya denilete ko yong account ko sa hotmail, kase ayaw akong tigilan ng
    taong yon sa net, kahit alam nyang may asawa na ako. Reaksyon ko tumawa kaming pareho :)
    sweet kase nung letter.

    5. Kapag gusto kong umabsent, kaya kong mag inarte na may sakit. At yong gamot na
    ibibigay ni hubby ihuhulog ko sa likod ng sofa. At nililinis ko rin kapag
    wala sya sa bahay baka mahuli pa ako. :)

    Ipasa ko naman eto kila Vicki,
    Malou, Carlota,
    Mommy Ann, Karen,
    Gayle at
    Nika. share nyo na rin mga sekreto nyo guys.

    Lumabas na raw ang 2.1 version, tenkyo Shari buti nalang pinag intay mo ‘ko. Pero di pa ako nakapag upgrade busy ang lola.
    Pixelled themes, pero limitado ang pag download nito isang beses lang.
    Kung gusto ka email me nalang kasama ang site URL mo. Kapag di ako nag reply sa email mo
    ibig sabihin may naka una sayo. Sorry ha!
     

  • 54 Comments
  • Filed under: Daily Post
  • SweetKendi

    I Joined

    BisdakPlanet Foundation aims to help our less fortunate “kababayans” and is dedicated to helping the Filipino children.

    Litratong Pinoy

    Archives

    Categories

    Visitors


    Author


      Hello I'm a mother of identical twin boys Marc and Mike. Yeah,double blessing but also a double challenge. My house is still a mess!
      -One of the coolest parts about being a mom of twin boys is that I have an escort for each arm.- (N.T)

    MacMik Logo

    • Recent talks:

      • Lhyz: hi te ethel! hope u still remember me.. hehe Lhyz po..sobrang tagal na..friend ni valerie if u remember...
      • Liezl: Hi thel, liezl ni. Basa-basa lng ko imo mga posts diri ug sa fb :) big boys na ang kambal gayud…kanus-a...
      • AL: lahat ng updates ko nakadraft hahahah… wala din kasi along time. add mo ako sa fb…...
    • Recent Trackbacks: