18 Dec

Good evening all. :)
Buong araw wala ako sa bahay kaya gabi na dito at ngayon lang naka upo sa lappy ko.
Galing kami ni hubby sa Germany, psst! hwag nyong isipin na malayo ha, sobrang lapit lang
magka dikit lang naman ang Germany at Luxembourg, yong ibang German nga dito sa Lux bumibili ng
petrol oil, at yong France at belgium ganun din mura lang kase dito sa Lux.
Yong lakad namin kanina somewhere in border lang.
May appointment kami ni hubby sa lawyer dahil bumili sya ng something out
there in Germany [???]. Ang nakakatawa, dahil sa maling akala hehe.. akala nila
kasintulad na nila ako magsalita ng German, susme! bebe pa lang ako dito
sa europa at ilang sakong bigas pa ang kakainin ko saka ako matuto sa lenggwahe nila.
Kaya kanina biglaan, shocked todo hanap ng translator, bali kung ano yong binatbat na
dasal ng lawyer e translate sakin. May isang nag presenta kakayanin daw nya hehehe…
imagine, para di masayang yong lakad namin kanina may nag volunteer pa. Guys
he’s very fluent in Enlish, pero sa sobrang lalim ng salitang German parang nalasing
yong translator hehe…
Sa kalagitnaan ng pag dadasal ni lawyer, mga 10 minutes siguro yon,
nahirapan yong translator kong pano isalin sa salitang english yong napaka lalim na salitang
German. Naka imik ang lahat at biglang tumawag ng dictionary please..hahhaha funny as in! Ang sarap piktyuran LOL.
Agad naman dumating yong dictionary, lahat naka smile kagat dila na rin ako baka
lumakas pa yong tawa ko. Hanggang sa sumuko na yong translator ko hahaha..sabi nya,
enough for me i thought it’s easy LOL. Sa dinami daming ka ek ekan kalahati yong natapos at babalik kami after Christmas or January hahanap si hubby ng good translator, bawal kase na si hubby ang mag translate
yan ang law nila, argh! Kaya yong lakad namin kanina di natapos, Haay
talaga nothing is easy in this world. LOL
May new angel pala si Gayle from pinas may isa kaseng kapangalan nya na taga Hawii :)
eto yong site ni Gayle, blogspot yong blogtool nya pero angelic-pink yong URL. Sa mga nag signup sa angelic-pink, kung nahirapan kayo sa WP, ok naman sa blogspot gamitin nyo. Just ask me pano gawin yong settings in case di nyo alam.
Honga pala tenkyo sa lovely gift nila ni Hannah
kay Ninah at kay
Chuckey na soon maging sexy mommy na. :)
maraming salamat guys at sa lahat nang dumalaw dito sa site ko, tenkyo all.
Patawad ako’y antok na, bukas na ako bibisita sa mga tahanan nyo. Labyo all…
15 Dec

I woke up with a doozer of a migraine headache.
Thank goodness for Adulfen pills. Kaya eto naka pag online pa rin.

Bukas mag papalit na kami ng winter tires,(spikes tires) etong si hubby puro
nalang next Saturday, next next…di ata nauubos ang next nya. Dapat sana nung
first Dec. pa, yan ang required time from Dec.1 - March 31 kelangan naka spikes yong
4 tires. Inaantay pa ata ni hubby na mag penalty kami nito. Babatukan ko na talaga ‘to
pag wala pa ring mangyari bukas.
Natatakot lang ako sa black ice, napaka delikado kase sa daan, kahit nilalagyan nila
ng asin natatakot pa rin ako.
Yoko ring pumunta mag isa sa garage, no way! Di ko pa yan nasubukan hehehe..
inaasa ko lahat kay hubby, as in dependent ako sa mga ganyan.
Sa ngayon wala pang snow dito, pero sobrang dulas ng mga daan dahil frozen. kapag
darating na ang snow at maging ice yong snow, ang saya pag na slide sakit sa pwet.
Nakabili ako ng boots noon na walang spike, nadaanan ko yong snow na naging ice na, gash!
ilang ulit akong na slide, muntik ko nang languyin para marating ko lang yong bahay namin.
Mula nun pinalagyan ni mom inlaw ng spikes ang lahat ng shoes ko hehehe… bago pa kase
ako nun, pero ngayon bihira nalang ako ma slide kapag tatanga tanga lang ako. :)
Dito sa Lux., kapag yong harapan ng bahay dinadaanan ng mga tao, kapag may ma slide
managot ka lalo na pag napilayan yong tao. Kaya yong mom inlaw ko, todo linis sya sa
harapan ng bahay nya tas nilalagyan ng asin. As in careful lang yong MIL ko dahil baka
rin sya mismo ma slide hehe.. ako naman, si hubby taga linis lamiig noh!
nililinis nya para di kami ma slide. LOL
Pamaskong handog, chaaring!
Sa sinong gusto ng siggy sa may itaas yang (bear-santa) pedeng mag request with your name
on it. Paki tama lang ng email nyo. At sa lahat ng pink angels sa angelic-pink.net paki hanap ng name nyo dito. Kung
wala yong name mo, be sure na active yong site mo sa angelic-pink.
Honga pala natawa ako sa comments ni Nyurnie sa previous post ko hehe..
gurl, ano kase first time ata sila naka kita ng onggoy na walang buntot kaya
ganun mag biro yong ka ofismeyt ni hubby hahhaa..
Happy weekend sa lahat at labyo all…
13 Dec

I think it’s Wednesday today! Hehehe… The days keep going fast this week!
Awww…Happy humpday to y’all.
Ilang tulog nalang pasko na,. Inunahan ko si hubby, na yokong pumunta sa
Christmas party nila. Anong reason sabi nya, sabi ko malamig tas hmmft! walang
litson baboy, ham lang yong handa with salad and french fries. Sagot nya shallow reason daw.
Every year, pumupunta ako sa party nila palaging ganun yong handang pagkain, kaya ibang iba
talaga ang pasko at handang pinoy, haay!
Tas ako lang yong asian ni walang ibang nakahalo ako lang, susme. Kaya yong mga ka ofis mate ni hubby
ganito yong biro nila, *Jang san mo nakuha yang asawa mo?! meron pa bang ganyan?!* LOL.
Kadalasan sa nag bibirong ganyan ay yong mga walang partner na dala, ika nga single pa.
Mababait silang lahat, tawanan kwentuhan tas ganung biro ang laging naririnig ko.
Iniisip ko nga, haay naku nanibago lang sila sa size ng ilong ko hahaha…
Minsan, may tumatawag kay hubby sa handy nya ka ofismate pinaalam may typhoon daw sa
pinas at kumosta naman daw ang pamilya ko,. :) Sa totoo lang ha, minsan lang ako manood
ng news, puter addict eh! aaminin ko naman talaga LOL. Kadalasan naririnig ko yong
mga balita sa pinas galing kay hubby at tinatanong ko rin si hubby san nya nalalaman,
sa mga ka trabaho daw nya hahahaha…buti pa sila updated lagi sa pinas news.
Ngayong christmas party nila, kelangan daw akong sumama dahil ano nalang daw ang
masabi ng mga ka ofismate nya na di ako sumama napaka pangit daw tignan na mag isa lang
sya dun. Sabi ko, ham lang kase yong handa at sabihin mo nalang
pag tinanong ka, na walang maiwan kay churchill (aso) hahha… pero wala pa ring lusot
ang baliw na mga reason ko, iiwan daw si doggy sa mommy nya hehhe.. In short, napilitan
ang lola nyo na sasama sa christmas party. argh! mapoporga na naman ako nito sa ham.
tsk tsk tsk…
By the way, sa mga mother out there and mother to be, di ako madamot sa tips na ‘to kaya share ko na rin senyo.
Most of european thinks very improper to spank children.
I recently heard from my friend who has tried other methods to control their kids.
One method that she found very effective was to just take the child for a car
ride and talk. Guys, maniwala kayo its true talaga they usually calmed down and
stopped misbehaving after their little outing together.
I’ve included the photo in case you would like to use the technique.
Clik Here!
Waving to everyone, and hope you all have a great day! Labyo all…
Recent Comments