Susme, dami ng cobwebs sa blog na ‘to. Tinamad akong mag update.
About my twins update, eto lumulobo na ang byuti ko. Pero tummy lang yong lomubo walang pag asang tumaba ang lola.

Excited na kami ni hubby na malaman yong gender ng twins. Usapan namin kapag lalaki, sya ang mag bigay ng pangalan. At pag babae ako naman ang mag bigay ng pangalan. At kelangan isang name lang, hindi kagaya namin na, ako dalawa ang pangalan kay hubby apat. kaya sa twins kelangan isang name lang.

Identical twins usually look very much alike.

Eto yong pangalan na gusto ni hubby pag lalaki, MARK and MIKE o diba isang name lang at ang ikli pa. LOL

Ako naman, eto yong name na naisip ko pero hindi pa ‘to final ha, nag iisip pa ako nang iba na pedeng mapagpilian, SHENA and SHANI o kaya Cathleen and Colleen. LOL

Wala pa kaming nabili na gamit ng babies, inantay kase namin na malaman ang gender. Yong room ng twins as in empty pa, kahit yong wall paper di pa napalitan.

Ako eto sobrang tamad ng pwet ko, e enroll ako ni hubby sa ehersisyo ng mga buntit kasama na ang yoga, pero kelangan ko pang mag dive ng 45 mins. hwag na. Mag lakad lakad nalang ako dito sa neighborhood. LOL

Pero sa ngayon tinamad pa ako, as in walang ginawa. Kahit man lang mag ligpit ng plato sa dishwasher inaasa ko pa yan kay hubby. Kawawang hubby inaako kase nya lahat ng gawain sa bahay kaya ayon, he can’t blame my ass. LOL

Minsan ma feel ko yong tummy ko na, parang puno ng gas at pag nailabas ko, susme pati si doggy magulat sa sobrang lakas hehehe… sarap din ng feeling kapag lumabas diba?! Naisip ko nga, baket utot ako ng utot oopss… dahil kaya sa constipation ko? O dahil kaya sa…na pepressed na yong intestine ko. Aside ng constipation may gamot ako, yon nga ewww ang lasa. Pero sige na at least yong lalabas hindi troso. LOL

May photblog pala ako, ngeek! kahit ano nalang yong pino post ko dun para magkalaman hehehe… CLIK mo DITO.

Baka sa next post ko malaman nyo na ang gender ng twins. CIAO!!!

Tenkyo kay Joanna sa cute na logo, love it gurl - maraming salamat ha! mwaaahhh…