Sa lahat ng gagawin ko araw-araw iisa lang ang nasa bulsa ko lagi eto “bebe phone”. Naubusan ako ng baterya kaya naka saksak.

Habang tulog ang kambal nilinis ko ang ref sa kusina kanina, binilisan ko talaga na matapos sa loob ng isang oras. Natapos ko nga, pero di ko naibalik yong mga laman nyan, halos kalahati tinapon ko dahil sira o walang laman na mga plastic etc. etc. haay… sarap awayin ni hubby dahil kagagawan nya, at yong iba nilagay ko nalang sa isang ref na shocking din ang mga laman, eto na naman ang misyon ko bukas na tatapusin.

Habang may natira pang oras, ibig sabihin tulog pa ang kambal. Kaya takbo naman ako sa ironing room, binilisan ko talaga na matapos at nang maka pananghalian.

Eksaktong natapos akong kumain gising na ang kambal. Kaya eto habang katabi ko sila, nasa tabi ko rin ang laptop.

Pahabol, ang haba na talaga ng buhok ko at lagi akong sinasabunutan ng dalawa. Susme ang liit ng mga kamay nila pero pag nahawakan ang buhok ko, ouch! ang lakas, hirap makawala kelangan buklatin pa isa-isa yong daliri nila. LOL