Nabobored lagi ang mga anak ko kapag dito lang kami sa bahay, kaya kelangan mailabas ko sila lagi, kahit sa sasakyan lang kami nag aaksaya ng gasolina at buti nalang ay summer dito. Minsan nakaka sawa kase dito lang kami naglilibot lagi sa neighborhood at isa pa mainit, pinapawisan talaga kili-kili ko sa kakatulak ng twin stroller.

Ready to drive…
Dahil summer dito, mainit talga sa labas kaya habang nag aaksaya ng gasolina napadpad kaming tatlo sa lugar na presko yong hangin at naisip ko para maiba naman sa kambal kaya nag nature walking kami.

As if… the lost twins, pano kaya sila makauwi nasan ang mommy nila.

As if… The lost mom, nakatulog. lol

Oh boy, sarap talaga mag lakad-lakad sa nature presko yong hangin at hindi mainit.
Happy TGIF!!!