Si hubby ayaw nya na ikarga sa shopping cart ang babies kapag nag grocery kami, gusto nya nasa stroller sila kase safety daw. Pero na kumbinse ko sya nung Sabado na subukan lang namin kaya tig isa kami ng shopping cart. Pero ayaw na nyang maulit uli subok lang daw yon. Karamihan naman dito nilalagay yong babies nila sa shopping cart pero si hubby ayaw talaga nya. Strikto!
Eto yong dalawa nung Sabado.
Si bebe Mike, gustong gusto nya pero ayaw ng daddy nila.

Si bebe Marc gustong gusto din nya, sobrang behave nga nila.

Walang magawa ang mag ina, nakasimangot ang isa si bebe Mike dahil di nya ako masabunutan, at si bebe Marc todo kagat at hila sa buhok ko.

Nagalit si bebe Marc dito kaya sinubsob mukha nya. LOL