First solid food!
Pinakain na namin ng solid food ang babies, pero sabi ng pedia ONLY FRUITS muna then antayin nalang namin ang next signal ni doki kung kelan sila pwede kumain ng vegetables at meat. Nag change na rin sila ng formula milk from Nan pro-1 to Nan pro-2.

Siguro naimagine nyo na ang hitsura ng babies sa first solid food. Sa over capacity ng hard disk ko kaya di ko ma upload ang video, sayang.

Parang tomato sauce yong food nila cherries kase yong flavor.

Si bebe Marc aka Macmik eto yong unang subo.

Si Macmik uli, medyo nasira yong mukha dahil ayaw sa lasa. LOL

Si bebe Mike aka Mikmac unang subo palang galit na. LOL

At eto galit na nga ayaw na nya. LOL