Ganito pala ang resulta kapag thumb suck ang babies. Susme ang hirap pakainin, kada subo ko isusubo din yong thumb nila, kaya ang resulta napaka dungis ng mukha. Ang gulo naming tatlo tuwing kainan, halos mag gyera pa kami kase once naka thumb suck nagagalit pag tanggalin yong kamay. Normally naka thumb suck lang sila kapag inaantok, pero eto bagong diskubre naka thumb suck din sila kapag pinapakain, gustong gusto kase nila yong flavor. Siguro kala nila yong food nanggaling sa thumb, hindi sa kutsara. LOL

Eto concentrate sya sa thumb nya kala nya anjan galing yong food hahaha

ang dungis ang gulo kase pakainin, pati bibs tinatanggal dahil sa sobrang excited. LOL

Eto yong favorite flavor nila.