Ang dalawang makulit.
Andami nilang laruan pero mas gustuhin pa nila yong lata ng gatas ginagawa nilang tambol. lol

Pano naimbento ang lata.

Minsan kapag pinapakain ko sila nakakairita talaga dahil pag ayaw nila sa pagkain talagang niluluwa tas sabayan pa ng iyak. Namimili kase ng pagkain yong gusto nila ay carrots with potato and chicken. Peborit ng dalawa.

Eh, shempre kelangan matuto at tangapin din nila ang ibang pagkain kagaya ng cauli flower, spaghetti, etc. etc. except fish and eggs di pa sila pedeng pakainin nyan advise ng pedia.

Habang pinakain ko sila ng spinach, grabeh riot to the max tsaka di mahitsura yong mukha. Binibigyan ko ng mga laruan lahat tinapon sabayan pa ng iyak na halos mag crack na yong ceiling namin. Kaya ang ginawa ko sinabayan ko na rin ng ingay pinukpok ko yong mesa, tas ginaya ba naman ako pinu pukpok din nila yong high chair nila. Ayon naisipan ko bigyan ng lata. Epektibo, nag enjoy ang dalawang makulit. Habang pinapalo nila yong lata sinasabayan ko rin ng subo tas naka nganga naman sila, ayon naubos yong spinach.

Ngayon peborit nilang laruan lata, lalo na pag kainan binibigyan ko yan sila ng lata at kutsara hahaha… Napakaingay nga, at least kinakain nila yong gusto kong ipakain. LOL

eto sa kwarto nila ang ingay, si mikmik concentrate sa lata nya.

si macmac naman pa gapang gapang tas minsan tinutuktok yong lata nya, ayan tinanggal pa yong takip. lol