Mahigit dalawang buwan lagi kaming puyat dahil madaling araw na matulog ang kambal. Last week, after ng baby gym ni recommend sakin ang libro na ‘to. “Learn to Sleep” grabe ang galing ng librong ‘to, marami kaming natutunan ni hubby para sa babies. Omg, kala namin tama lahat ang ginagawa namin para sa babies lalo na yong sleeping pattern nila.

Dito knockout kami ni hubby: Pinapatulog namin ang babies sa swing saka ilipat sa crib nila. Eh, pag nasa crib na ang babies tas pag nagising sila, shempre magtaka sila baket iba na yong hinihigaan nila kaya umiiyak di kase nila alam kung anong nangyari.

2nd knockout namin: Habang pinapatulog namin ang babies may ilaw dahil kala namin kapag walang ilaw di sila makatulog dahil natatakot sa dilim, at pag naka tulog na sila saka namin e on ang bulb night light. Eh, nasa tummy pa lang ang babies sanay sila sa madilim kaya di sila takot sa dilim.

3rd knockout namin: Super active ang babies sa gabi kaya nilalaro namin para madaling mapagod at makatulog. Eh, matalino ang mga babies kaya alam nila kung kelan sila nilalaro, kelangan pala walang laro sa gabi.

Natatawa kami ni hubby dahil trying hard talaga kami na bumalik sa tamang oras yong pag tulog ng kambal yon pala maling mali naman ginagawa namin. Malaking tulong talaga ang librong ‘to grabe ang ganda, dami mo talagang matutunan. Now, I know.