Minsan praning ata ako. lol

baket, paano?

Minsan pagka kasi ako’y nagising kalagitnaan ng gabi babangon bigla at diretso sa kwarto ng kambal, iniisip ko lagi baka nakawin ang mga babies ko. At di lang yan, ilang beses ko pa tinitignan ang mga pintuan at bintana kung nakasarado lahat. LOL

Pag gabi kunting ingay lang marinig ko sa bebe phone takbo agad ako sa kwarto nila. Siguro normal feeling lang ‘to sa mga mommy anoh? Minsan praning. LOL

Si churhcill (doggy) ang gwardya pwesto nyang matulog sa may pintuan ng kambal. Kahapon sabi ni MIL mag bakasyon daw muna si doggy sa kanila after new year. Shempre less work din sakin pag wala si churchill dahil wala akong vavacuumin na mga balahibo araw-araw. Pero isip ko, lalo akong ma papraning nito pag mag bakasyon ang gwardya, di ko naman pedeng hindian si MIL dahil love na love din nya si doggy.

Haay..ewan ko nga ba baket ganito ‘ko. grrrr!