Ulam ko sana sa pananghalian kanina ay pritong isda, kaso nasubrahan ko nang pag fry naging ganito ang hitsura. Ow Sh*t. Gutom na gutom pa naman ako sa oras na yon. LOL

Kakahiya man pero aaminin di ako mahilig sa kusina ika nga tamad lang talaga sa kusina, wala namang di marunong kapag gustuhing matuto diba?! Masteral ako sa prito kahit anong prituhin di ako takot sa tumatalsik na mantika.
Pero kanina na palpak.
Naglalaro kami ng kambal at alam ko naman na may piniprito ako pero wrong estimation lang talaga sa oras hahaha amoy ewan ang buong bahay namin at kahit malamig binuksan ko ang ibang bintana.
Hanggang ngayon amoy eewww pa rin ang bahay namin. Si hubby di yan nag rereklamo na immune na siguro pag nag pprito ako. LOL

Ginisang tuna de lata nalang yong ulam ko kanina, lahat masarap kapag gutom na.