Peborit ko ang pork chicharon.
Dito sa Luxembourg makakabili lang ako ng pork chicharon sa Chinese store. At minsan iniisip ko baka hindi pork chicharon malay natin sawa tas nilagyan lang ng label na pork hehehe…Wala kaseng mabili dito na pork chicharon na talagang galing pinas, lahat made in China.

Kanina nag grocery shopping kami, di ako makapaniwala sa nakita ko. Wow! pork chicharon na made in Europe galing Sweden. Bumili lang ako ng isang pack, malay ko baka di masarap. Nasa sasakyan pa lang kami tinry ko na, ang sarap grabeh, babalik sana ako sa store at bibili ng marami kaso lang nagugutom na ang babies di pa sila nananghalian kaya no chance, diretso uwi.
Sana di pa yon nauubos bibili ako bukas ng marami. Ang sarap talaga ng Schwediche pork chiharon.

Bumili din ako ng Scwediche cookies, di ako mahilig sa cookies pero nagandahan ako sa cookies na ‘to at masarap nga.