Archive for the ‘Christmas’ Category

sleepless nights

Madaling araw na dito at eto gising pa ako.
Gusto ko nang matulog, ako’y antok na talaga.
Pero eto pinilit ko sarili ko, na kelangan hwag munang matulog.

Inisip ko nga pano kung wala akong alam sa internet, pano ko kaya
labanan ang antok sa oras na ‘to.

Gising pa ako.

Pagod na pagod, gusto ko nang matulog.

Helpppp…

Pano ako maka tulog gising pa ang precious twins ko.
Halos mag isang buwan na ganito lagi.

Pero maswerte pa rin ako dahil hindi sila iyakin, naglalaro lang sila,
napaka aktibo nga.

Hitsura ko parang zoombie ang laki ng eyebags parang sinuntok. Kahit magising ako ng 10 or 11 sa umaga, antok pa rin ako, pero kelangan ko naman magising para pakainin ang babies at paliguan, gawaing bahay etc. etc. sa loob ng isang araw isang beses lang ako kumain alas 3:00 ng hapon, kase yan lang ang oras na medyo free ako. Hindi naman ako nagugutom at eto bumaba naman ang timbang ko.

Haay…

Honga pala tenkyo sa lahat ng birthday greetings.
Luv you all.
Bukas na ako mag bloghop.

matanda na ako

Paalala lang po. Blogger din ako kagaya nyo kaya hwag nyo po sanang bigyan ng ibang kahulugan ang post na ‘to. At isa pa para naman may update ang bloggie na ‘to. LOL

Nadagdagan na naman ang edad ko ibig sabihin matanda na ako pero isip bata pa rin nyaahhh… Happy Beerday to me!

Nung Martes may cartoon naka patong sa mesa. Tinanong ko si hubby anong laman sa maliit na cartoon, para kanino.

…sagot naman nya wala! at bubuksan ko lang daw sa Sabado.
Eh, ako pa. Kala nya maka pag hintay ako. Nag agawan pa kami kase ayaw talaga nya pa buksan, eh bakit kase pinakita sakin.

Shempre nung martes ko rin to natanggap birtde gift daw nya sakin. Susme camera lang pala. Iba yong gusto ko na regalo hindi camera, gumagana pa naman kase yong old cameras ko eh. Well, ok na rin ‘to natanggap ko rin. lol

Eto naman bigay ni MIL ko, perfume at kunting pang shopping.

Ang handa sa birtde ko ay pritong isda, sinawsaw sa toyomansi. At ako lang mag isang kumain naka kamay at naka patong yong paa. HEAVEN!!!

my cutie babies

Fine fine fine..!
Binibigyan ko kayo ng ibat-ibang laruan pero ang bilis nyong mag sawa. Halos lahat ng laruan na binili ko para sainyo ayaw nyo na, gustuhin nyo man at naglalaro kayo ng mga ilang minuto lang, at pareho kayong umiiyak ng sabay sabay. Gash! nakakaloka, nakakalito dahil di naman pwede na pagsabayin ko kayong kargahin. Dalawa lang ang kamay ng mommy nyo.

Alas! nalaman din ng mommy nyo kung anong klaseng laruan na di kayo nag sasawa at nag eenjoy kayo ng todo, kahit pinupunit nyo opkors okay lang, at kahit din kinakain nyo okay lang din, basta hwag nyo lang lunukin. Kahit ilang oras nasa bouncing craddle kayo basta anjan sa paningin nyo si winnie puh na libro enjoy pa rin kayo. Tenkyo may cuties dahil may natapos ding gawaing bahay ang mommy nyo, at higit sa lahat nakapag blogging pa ang blog adik na ina nyo. I love you cutie babies!

MY cutie babies…

Happy weekend sa lahat.

SweetKendi

I Joined

BisdakPlanet Foundation aims to help our less fortunate “kababayans” and is dedicated to helping the Filipino children.

Litratong Pinoy

Archives

Categories

Visitors


Author


    Hello I'm a mother of identical twin boys Marc and Mike. Yeah,double blessing but also a double challenge. My house is still a mess!
    -One of the coolest parts about being a mom of twin boys is that I have an escort for each arm.- (N.T)

MacMik Logo

  • Recent talks:

    • Lhyz: hi te ethel! hope u still remember me.. hehe Lhyz po..sobrang tagal na..friend ni valerie if u remember...
    • Liezl: Hi thel, liezl ni. Basa-basa lng ko imo mga posts diri ug sa fb :) big boys na ang kambal gayud…kanus-a...
    • AL: lahat ng updates ko nakadraft hahahah… wala din kasi along time. add mo ako sa fb…...
  • Recent Trackbacks: