Archive for the ‘Winter’ Category

*Lihim*


Tinik sa aking
puso ang isang bangungot na karanasan,  arrgh! 
napakasakit  kuya Eddie. Ayoko na sanang alalahanin pa dahil
ramdam ko pa ang isang kirot na tagus-tagusan  sa aking puso
na  di ko kayang kimkimin, subalit  pano ko naman kaya
makalimutan lalo  sa buwan na ito ay kaarawan mo, aking pinaka
mamahal na ina. [Feb.28 happy b-day ma]

Naalala ko pa nun naka impake ng maayos ang maleta ko at sabi mo  “andyan lahat ng gamit  na kakailanganin mo geng”,
at ikaw pa mismo ang humatid sa akin sa piyer nag iyakan pa nga tayo,
dahil ma mimis mo ako at ganun din ako sa inyo,  pinaka mamahal
kong pamilya.

Umalis akong malusog ka at walang sakit mahal kong ina, oo nagka mild
stroke ka dati at affected ang kanang katawan mo, pero bumalik sa
dati ang iyong lakas bago kita iniwan.

Nasa Dubai na ako, kailan ma’y di ko nakausap si mama. Ang sabi nila
nagbakasyon at naitanong ko rin sa mga kapatid ko bakit walang reply sa
sulat ko, ang sagot naman nila hindi pa bumalik si mama sa kanyang
bakasyon. At syempre naman naniwala ako sa kanilang lahat
mahal kong pamilya. At yon pala’y unang sulat ko natanggap
nilang lahat nakaburol ang aking ina. Ang hindi ko malilimutan sa
unang sulat ko ay ang mga ibinilin ko sa aking mama, na hwag
kumain ng masyadong maalat, iwasan ang  karneng baboy at iba pa,
dahil may high blood nga sya. Paulit ulit akong tumawag at sulat
subalit ang rason nila’y  timing  naman daw pag tumawag ako
wala si mama, kaya napaisip ako galaan na pala si mama, ngunit happy na rin
ako sa mga balita nila dahil masaya at malusog ang lahat lalo na sa
aming ina.

Hindi ko na pahabain ang istorya, sa loob ng mahigit dalawang taon
walang sulat o boses na narinig ko sa aking ina, kaya excited akong
umuwi at mag bakasyon. Minsan naitanong ng pamilya ko kong kelan ang
uwi ko, sagot ko naman ewan! dahil ang gusto ko e surpresa silang
lahat, at kahit di nila alam na uuwi ako andami pa ring tugon na mga
pasalubong  at ang tanong ko sa kanila ano naman ang gustong
pasalubong ni mama, sagot ng brother ko,  “inday, relo daw ang gusto ni mama”.

Takda ng uwi ko  hindi alam ng aking mahal na pamilya,  at
hindi lang mamahaling relo ang pasalubong ko para kay mama. Kahit nasa
Manila na ako pinagtiisan ko pa rin ang di humawak sa telepono, super excited ako
na  makita silang lahat.

Sa lugar namin, pag baba ko ng bus,  plaza lang ang
pagitan tanaw ko na ang bahay namin at dun diretso ang tingin ko,
subalit nakita pala ako ng kapatid kong lalaki dahil nag skating sya sa may plaza.
kaya takbo agad siya at nilapitan ako. Agad kong naitanong sa kanya,
asan si mama? Huh! yumoko at parang di ako narinig, iniwan ko lahat ng
karga at  patakbong dumiretso sa bahay, ramdam ko halos  lahat
ng tao sa plaza nakatingin sa akin.  Pagka pasok ko ng bahay
tinawag ko agad si mama, huh! ang lungkot walang tao, [nanginginig ang buong katawan ko, dahil wala akong naiintindihan] inusisa ko yong brother ko di pa rin sumagot, tinanong ko asan si papa ang sagot naman parating na sya. [may inutusan pala sya na pauwiin agad si papa],
pati yong ibang kapitbahay namin nagsilapitan pero wala pa rin akong
naiintindihan dahil nakaimik lang sila.  Dumating si papa galing
sa palengke umiiyak, huh! anong ibig sabihin..nalugmok ako ng time na
yon di ko nakayanang tumayo feeling ko pasan ko ang buong mundo.
HINDING-HINDI ako makapaniwala sa mga pangyayaring di ko alam, pinilit ko isang panaginip lang ang lahat at gusto ko nang magising, pero ramdam ko halos di ako makahinga at
pinainom nila ako ng tubig. Ang  sakit napaka sakit at napaka
sakit talaga. Oo pinilit kong hukayin ang puntod ng aking ina dahil
sobrang na mis ko sya,  ngunit ako’y isang baliw  sa paningin ng
lahat.  Dandamin ko’y nag iisa sa mundo at walang pamilya, ang
dating matakutin sa ama na ugali ko, nagiging  isang rebelde,  kinamuhian ko silang lahat nagliliyab ang puso ko sa galit.
Pinilit ko ang  aking sarili na kakayanin ang lahat, kaya nilisan
ko ang lugar namin, duon ako tumira sa isang tiyahin ko [kapatid ni mama]. Umalis akong walang paalam sa mga kapatid ko at lalo na sa pinakamamahal kong ama, tuyo na ang luha ko sa panahong iyon.

Bumalik ako sa Dubai na may galit pa rin sa aking pamilya, ramdam ko
ang lungkot ng aking mahal na pamilya lalo na si papa, di ko magunita kong paano ko sya sinaktan. Kahit nasa
malayong lugar na ako  lalong nag durugo ang puso ko, alam ng
makapangyarihan sa lahat kong  gaano ko sila kamahal.

Di ko matiis,  saka
lang nila nalaman na nasa Dubai uli ako ng tinawagan ko sila, 
pinatawad  ko ang lahat at kinalimutan ang isang bangungot na
alaala.

Mula nun di na ako nakauwi ng pinas at  dumiretso dito
sa Luxembourg, sa nakaraang taon (2005) napa uwi akong bigla dahil sa masang nangyayari ng pinaka mamahal kong ama. Pero isang bangkay ng aking ama ang nadatnan ko. Wala na si papa. Napakasakit sobrang sakit at lungkot ang nararamdaman ko sa panahong ‘yon. Napakasakit ang mawalan ng magulang. 

  Sa panahong yon may mga pagsisi. Bakit nagawa ko pang  kamuhian ang pinaka mamahal
naming  ama, di ko man lang sya nayakap bago ako umalis nun, (pabalik sa Dubai) bakit di pwedeng ibalik ang nakaraan upang iwasto ko aking pagkakamali? aarrgh!

Malaking paghihinayang ko sa mga panahong iyon, oo pinagdusahan ko ang
lahat lahat, bakit? at bakit?! Sayang ang mga plano namin ng aking ama na makasama ko sya
dito sa europa. Alam ko masayang masaya  sila ngayon at 
magkasama sila ng aking ina.[family is FOREVER]  “God will wipe away every tear from their eyes and there shall be no more pain”.

May mga panahong tinitimbang ko ang nakaraan,  nakauwi kaya ako na
isang buhay kong hindi nila inilihim sa akin ang lahat? Ewan! di ko rin
masagot, tama rin si papa sa naging desisyon nya, pero napakasakit di
ko nakita si mama,  ewan, basta ang lahat na pangyayaring yon
ay  plano ng Diyos.

  • 35 Comments
  • Filed under: Winter
  • *Pag ibig*

    Si erpat super
    estrikto, isang kilos lang ng kanyang mata naiintindihan ko agad anong
    ibig sabihin nya,. Noong bata pa ako mas gustuhin ko pa ang paluin key
    sa pagalitan ako, [anong pagkaiba?] kasi ba naman pag
    pinagalitan kami  halos buong araw na  inuutusan ng kung ano
    ano at galit pa rin, masakit magsalita si erpat  lagpas  buto
    talaga, [yan ang style ni papa]. Si mama naman bihira lang
    talaga nagagalit, ang ayaw lang talaga nya pag umiwas  ako ng
    schedule ko sa paghuhugas ng pinggan [hate ko talaga yan] at
    pag di nya napigilan  kukuha ng isang pirasong walis tingting,
    sakit yon ah, isang palo lang nasa sulok agad ako umiiyak at wala ng
    trabaho, si mama na ang maghugas ng pinggan.
    Hanggang sa dalaga na ako lalong mahigpit si papa, la akong boy pren
    kakainggit sa mga prens ko, lalo na pag valentines day may matatanggap
    silang mga flowers ako wala kahit wild sunflower man lang walang
    nagbigay sa akin. Natatakot kasi ako sa rules and regulations ng
    parents ko, pag malaman nilang nag boy pren boy pren ako, agad
    pahintuin sa pag-aaral at gawing  taga bantay ng copra,[yoko nga].
    Pero, naranasan ko pa ring magka boy pren, hanggang sulat lang [medyo kilig sa nerves din, lol's]
    yong guy takot din kay erpat  bantog kasi sa lugar namin ang
    pagka  estrikto ni papa.
    Nung sa Dubai na ako, feeling ko parang ibong may layang lumipad.,
    ngunit akalain ko ba na ang maging amo ko’y mas mahigpit pa kay
    papa.  Si Mr. Moosa Jameel [amo ko], binawalan
    akong makipag boy pren dahil sagabal daw  sa trabaho, pag nasa
    malayo yong boy pren  oks   lang daw  at 
    pag  gustuhin ko man nag presinta binata daw sya, waaahhh..kakatakot.  Ang sabi pag nahuli  nya akong may
    kasamang lalaki ipa pulis ako dahil bawal daw yon sa lugar nila, ako
    naman natakot e di wala.
    Dahil masunurin akong tao, kaya  bahay to opisina lang 
    at  gala ng mall kasama mga  ka room mate, minsan tinatawag
    nila akong lola hehe kasi ba naman pag weekend nag didisco sila
    samantalang  ako nag paiwan sa bahay nood ng tv at matulog, 
    di ako sanay sa ganun, buti pa matulog  may napala pa ako “muta”.
    At isa pa nakakatamad lumabas lalo na pag walang sariling 
    sasakyan, super init sa labas feeling mo nasa oven at pag nag taxi
    naman, yuck!  nakaka disbeauty talaga,  ang  ibinayad
    mong pamasahe  sobra pa sa isusuka mo sa amoy baktol  na
    kilikili powers  ng panang driver na yon,  naka  Rizal
    nga yong pagka suklay ng buhok at naka- kurbata pa, samantala ang amoy,
    ewan ilang  sentimetro kayang libag nun sa kilikili..nakakamatay!
    Etong amo ko  mabait sya, [bakit?] kase hindi 
    manyakis, swear bihira lang ang arabo na ganyan  lalo na pag
    maraming kita yong opisina nya,  nang lilibre  ng dinner
    either chinese restaurant or golden fork [my fav. restaurant sa dubai],
    at pag may problema  naman opisina nya lalo na sa mga aplikante,
    josmio akin lahat ng kasalanan at pag humiyaw labas ngala ngala, at
    nakatago akong umiyak, [kawawa].
    Nung medyo matagal na ako  sa Dubai, wala pa ring  boy pren
    kalabasan  tatandang dalaga ako sa ganong sitwasyon, imagine 24 yrs.young [lol] na
    ako nun  walang nagkamali sa akin na ibigin ako, char! sa totoo
    meron nga naman e gustuhin mo ba yong may mga powers, yuck! di bali na
    mag paiwan nalang ako sa train [tatandang dalaga].
    Isang araw bored na bored sa trabaho, kaya sinubukan kong mag pa member
    dito sa sms.ac, at dito ko nakilala si hubby Jean, eh  walang
    web cam at head phone yong pc ko, swear binilhan ng amo ko dahil nakikipag chat din sya sa mga arab girls hehe  landi nga nilang mag usap
    naririnig ko sa office room nya magkadikit lang kasi yong room namin,
    kaya yon hiraman kami ng cam,  pag tanghali ginagamit ko  at
    di na ako umuwi ng bahay  nag papadeliver nalang ako ng lunch,. hehe..umiibig na kase ang puso ko.
    Two months lang yong relationship namin ni hubby Jean, pakasalan agad ako hehe…sa maikling kwento ikinasal kami sa Dubai [last 2003 gyera ng Iraq],
    oops ang hirap mag pakasal sa arab world, pero ipinag laban lahat 
    ng hubby ko alang-alang sa minamahal at yon ay nag aapoy na pag
    ibig  husgahan man ng mundo. Ang pangarap namin ay natupad lahat, at yong amo ko isa sa ninong namin at syempre hindi sya nakasuot ng
    kandura sa loob ng Holy Trinity church, :P .  So, sister ko ang ipinalit sa dati kong trabaho, yong amo ko naman [ninong namin] 
    last 2004  lang sya nag asawa, tumatawag at pinainggit lang kami
    may baby na raw sya, hhmm kakainggit talaga naunahan kami. At
    etong  sis ko naman,  birthday nya  ngayong 
    February  13 mag paka sawa muna sya sa pagka dalaga at ang maldita
    may boy pren, kaya ayaw nyang pumunta sa europa, kakainis. ;)

  • 28 Comments
  • Filed under: Winter
  • *Tagged*

    The sun is shining here today..looks like it might be trying
    to warm up a bit. :o
    Here again, assignment from manang Ghie and kumareng Raquel

    4 Jobs I had in my life [tatlo lang]
    1.Secretary [pero amo ko arabo]
    2.Housewife of sorts
    3.taga walking ni churchill [doggy ko]

    4 Movies I could watch over and over [i luv cartoons]
    1.Cinderella
    2.Snow White
    3.Chicken Run
    4.The Incredibles

    4 Places I’ve Lived
    1.Bukidnon [dito ipinanganak]
    2.Cagayan De Oro City [dito nag aaral]
    3.Dubai [dito nag trabaho]
    4.Luxembourg [Lux. hubby ko]

    4 TV show/channel I love to watch
    1.CNN
    2.BBC world
    3.RTL Lux
    4.MTV

    4 Places I’ve been on vacation
    1.Switzerland [my fav. place]
    2.Austria
    3.Holland
    4.Paris

    4 Websites I visit daily [ dalawa lang]
    1.My Blog
    2.Friends Blog

    4 of my favorite foods
    1.adovo (kahit ano basta adovo, hwag lang palaka pls.)
    2.balot /pinoy
    3.sinigang na bangus
    4.lechon

    4 Places I’d rather be by now
    1.Philippines
    2.Dubai
    3.Canada
    4.USA

    4 Bloggers I am tagging
    1.Darwin
    2.Charles
    3.Laureen Jean
    4.Bakya Chocolate

    Wish you all the beary best and relaxing weekend ..

  • 21 Comments
  • Filed under: Winter
  • SweetKendi

    I Joined

    BisdakPlanet Foundation aims to help our less fortunate “kababayans” and is dedicated to helping the Filipino children.

    Litratong Pinoy

    Archives

    Categories

    Visitors


    Author


      Hello I'm a mother of identical twin boys Marc and Mike. Yeah,double blessing but also a double challenge. My house is still a mess!
      -One of the coolest parts about being a mom of twin boys is that I have an escort for each arm.- (N.T)

    MacMik Logo

    • Recent talks:

      • Lhyz: hi te ethel! hope u still remember me.. hehe Lhyz po..sobrang tagal na..friend ni valerie if u remember...
      • Liezl: Hi thel, liezl ni. Basa-basa lng ko imo mga posts diri ug sa fb :) big boys na ang kambal gayud…kanus-a...
      • AL: lahat ng updates ko nakadraft hahahah… wala din kasi along time. add mo ako sa fb…...
    • Recent Trackbacks: