Archive for the ‘Winter’ Category

* Gayuma, Does it really work?*

Kahanga hanga si [ilihim natin sa pangalang Julia],  tumandang dalaga sa kaka abroad at sa awa ng Dios nakayanan nya lahat ng problema sa kanyang among  arabo.

Ang tagal nya sa Riyadh,  8 years sa isang amo lang daw yon ha, [mabait kaya amo nya?]. Sa walong taong serbisyo ni ate Julia, ganun pa rin yong sahod nya walang dagdag, [kurifooot yong amo] kaya nung umuwi sya sa pinas di na sya bumalik dun,  at sa Dubai kami nagka kilala.

Pagdating nya sa Dubai, inusisa  agad ako nang ganito;
ate Julia : Ethel, mabait ba yong maging amo ko?
ako: Medyo naman.
ate Julia : Okie lang, walang matapang sa akin [sabay tawa].

Sa totoo ang sarap nyang kausap, mapag biro at halos binahagi nya yong pinag daanan nya sa Saudi Arabia.
Doon daw naka talokbong  sya at naka  itim na damit [tawag nun ay Abaya] dahil ayaw  ng amo nyang babae na makita yong buhok nya sa amo nyang lalaki. Pero sa Dubai [open city] hindi yan importante kaya para sa kanya maganda raw dahil hindi sagabal sa pag kukoskos ng kubeta.

Napakahigpit   yong amo nya dati bawal na makitang nakaupo sya, [grabeh anoh?]
kaya daw minsan kunwari naglilinis   sya ng kubeta, yon
pala’y umidlip lang sya ng kunti. Sa  kanya lahat ng trabaho sa
buong bahay, taga luto, linis, laba at iba pa. Kapag nagluluto na raw
sya yong sabaw ng pagkain para sa kanyang amo hinahaluan ng ihi nya,
para lang daw makapag higanti sya, [LMAO. masarap siguro yon, buti nga!]
at pag umaga naman  sa bowl sya naghilamos  sabay punas sa
kili kili  at yon ay  pang kape na rin ng amo nya, [lol, nakakaloka]. Itong amo nyang babae naman palaging nag papagawa ng fruit shake [yong pinaghalong mga prutas daw] kaya ang ginawa nya, nang huhuli  sya ng butiki [house lizard]
tapos binibilad at pag natuyo na inihalo nya sa fruit shake, at may
kunting sabaw sa nilalabhan nyang panty yon daw ay gayuma para bumait
yong among babae nya, [yuckie! tawa ako ng tawa nung sinalaysay nya to sa akin, grabeh sya].
Walong taon  nyang ginagawa ‘tong klaseng mga gayuma kaya dun
tumagal sya, hehe.. nalason pala yong amo nyang babae. Siguro pag
nahuli sya sa mga ginagawang  strategy ng paghihiganti, bitay aabutin nya
pero maingat sya hehe..  talagang matapang si ate Julia.

Minsan, tinatawagan ako ni ate Julia sa opisina yong nakaw lang na
tawag pag umalis yong amo nya kasi bawal nga gumamit ng phone, ayon nag
kumostahan kami at ang problema lang daw nya yong isang  anak ng
amo nya,  kasi daw napaka bastos  [10 years old pa lang, lalaki],   minsan daw  habang nag lilinis sya hinihipo yong puwewet nya, [ang hirap paniwalaan sa ganung murang edad, pero pano kong walang desiplina] alangan sipain nya o paluin magalit yong mga magulang.,[paniwalaan naman kaya sya?] kaya payo ni Inday [ako] ingat ka ate Julia baka ganun din ang tatay.

Mula nun di na sya tumawag, sana matiwasay, ligtas  at walang
panganib yong sitwason ni ate Julia at sana may nakita syang
butiki  sa dubai  hehehe… [guys hindi ako naniniwala ng gayuma ha, never!]

Happy weekend guys!


  • 27 Comments
  • Filed under: Winter
  • *Yes, No, tsaka I do not know*

    Salam alaikum, sabi ko…alaikum salam, sabi ng madame.
    employer:  M. Ethel magkano ba ang Phil.
    dh  gusto ko yong Islam at may edad na, may asawa at hindi
    maganda  para hindi titigan ni mister ko.  At gusto ko rin
    yong may experienced na sa trabaho, [as dh] fluent mag english para mag tutor na rin sa mga anak ko. [all around ang gusto nya]
    ako:  [shocked sa narinig, maganda nga sya naliligo naman kaya 'to?]
    sabay pakita  lahat ng mga cv’s,  ganito po ang presyo 3,500
    Dirhams  with  3 mos. salary deduction po sila at blah blah..
    Sa kahalughug  ng mga cv’s isang aplikante, itago natin sa pangalang “Petra” ang napili nya.
    Para sa kanya perpek ang biodata ni Petra, ganito kasi; marunong
    magluto  ng arabic foods  dahil may experienced sa Jedah
    K.S.A, 32 years old, may asawa at anak, taga Cotabato at higit sa lahat
    fluent mag english.
    Kaya yon binigay ko sa kanya ang passport copy at dalawang 2×2 na pics para sa visa ni Petra.
    employer:  [excited] M. Ethel, bukas na bukas gagawan ko agad ng visa.
    ako:  Yes, pero antayin mo muna tawag ko, kasi e confirm ko muna  sa pinas kong ready  ang aplikanteng ‘to.
    Nag fax agad ako sa sa pinas  [di ko na sasabihin ang pangalan ng opisina, basta halos jan sa malate kontak sa agency na pinag trabahuan ko dati] ayon nag reply agad si [itago natin sa pangalang Mr. bakla  di ko sya nakita pero obvious ang boses ok?
    Ganito ang reply nya, reding redi si Petra at walang problema  sa
    medical, fit to work.  So, tinawagan ko ang employer to proceed
    the visa.
    Dumating si Petra sa Dubai byernes ng hapon, kaya sabado na kukunin
    at  bali matulog muna sya sa opisina ng isang gabi. At syempre
    kahit weekend pag may aplikante na darating binibilhan ko talaga ng
    pagkain, i swear walang pakialam ang agency kong nagugutom nga ba yong
    aplikanteng naghihintay, kaya sariling bulsa ko ipambili ng pagkain sa
    mga aplikanteng di makuha agad ng kanilang amo. Habang kumakain si ate
    Petra kinausap ko sya at tinatanong ng kong ano ano sa pinas. 
    Hanggang naitanong  ko ang tungkol sa trabaho nya dati sa
    Jedah.  OMG,  laking gulat ko nalang, wala pala syang
    experienced  at  Grade III  lang ang natapos nya,
    arrrgh!  Nagulat din sya bakit ganun  ang kanyang 
    biodata,  gusto kong sumigaw at sakalin si Mr.
    Bakla.    Mapahiya talaga ako  sa employer at isa
    pa masisira yong opisina ng amo ko at higit sa lahat maka peso pa ako
    kay dugyot [amo ko].  At si Petra naman nanginginig, e
    first timer kaya normal lang yong feelings na ganun. Biruin nyo,
    magdamag di ako nakatulog nun, iniisip ko ang dapat kong ikatwiran.
    Kinabukasan, dumating ang mag asawang employer…salam alaikum blah
    blah.. sign ng mga kontrata at iba pa, at yon sa wakas umalis na
    dala  si Petra. Ako naman parang temang di mapakali, [kinakausap ang sarili] 
    e syempre alam ko na ang susunod na mangyayari,  sigurado ako di
    pa makaakyat si Petra sa bahay ng amo nya ibalik na sya dito sa
    opisina. Tinawagan ko si Mr. Bakla dahil kong mag fafax pa ako
    siguradong di sasagot at  pag taguan pa ako basta  may
    problema,  ganun sya at  masayang lang oras ko. Ganito yong
    usapan namin sa telepono;
    ako: Bakit mali yong biodata ni Petra, nakasulat dun na ganito..blah blah..
    Mr. Bakla:  Ethel, sinunod ko lang yong sinasabi nya na ganun nga.
    ako:  [grrr] ibig mong sabihin sinungaling sya, e ngayon kong ibalik yon ng employer sagot mo ang  ticket pauwi.
    Mr. Bakla:  [ayaw patalo] oy! di yan pwede kasi di nag refuse yong aplikante.
    ako:  [galit na] di nga nag refuse pero sinungaling ka! Wais ka talaga, pera lang habol mo di ka ba naawa sa aplikante?
    Mr. Bakla:   [kalmado pa rin] , ethel kung sakaling ibalik si Petra, hanapan mo nalang ng ibang employer,  [sabay Please]
    Ako naman lumambot agad ang puso pag narinig yang “pls.”
    Haay…kinabukasan nga binalik si Petra at nag reklamo yong amo, 
    hindi raw sila nagkakaintindihan at walang alam, kahit sabihing
    pakiabot ng tissue, di alam kong ano yong tissue,  [kawawa naman].
    Kaya ang kasunduan bigyan ng replacement yong employer,  tapos!
    Pero di lang peso ang inabot ko kay dugyot ha,  dos pa., 
    swerte sya babae kaharap nya  kong  hindi isang kamao eksakto
    sa bunganga nya, na imagine nyo ba  paano sya humiyaw? 
    “grabe labas ngala ngala” [kakainis talaga mga ugali nila].
    Naawa ako kay ate Petra  ayaw  nyang umuwi sa pinas dahil
    pano nalang daw yong inutang nyang pera para sa pina Medical  nya
    saan daw sya kukuha ng pambayad. Pina relax ko sya na  “hwag mag
    alala hahanapan kita ng bagong sponsor”.
    Ang sagot naman  nya, natatakot ako ethel baka ibalik na naman ako
    kasi kunti lang ang alam ko na english, ako naman na medyo curious kong
    gaano ka kunti yong english nya, tinanong ko sya.
    ako:  ate anong english lang ang alam nyo?
    Petra:  yong ano lang, YES, NO, tsaka I DO NOT KNOW.
    ako:  ah, ganun po ba,  [sabay talikod dahil may ginagawa, at lalong naawa]
    Sa maikling kwento, tinatry  sya ng ibat ibang employer
    ngunit  matagal na yong dalawang araw, binabalik din sya dahil di
    nga sila nagkaintindihan at wika ni ate Petra di daw nya kaya ang
    trabaho.  Wala na akong ibang paraan para sa kanya, hanggang sa
    nagpasya nalang si ate Petra na uuwi sya.,  kaya napilitan si Mr.
    Bakla na sagutin ang ticket pauwi ng pinas  [dahil nakalaan sa kontrata ang ganun].
    Para sa akin malaking liksiyon  yon kay Mr. Bakla, di dapat sya
    mag sinungaling, doble doble na nga ang perang tinatanggap nya, [sa aplikante at sa kontak nya sa Dubai,] haay grabeh abuso na talaga. Kung tutuusin pag dh ang aplikante [patungong middle east] 
    wala silang  hingin na pera, kong hindi pang medical lang na
    halaga, oopss di naman aabot ng 5000 ah,  kawawang ate Petra,
    tutubo pa yong inutang nyang pera.
     “ang  pipiyok…tiyak, kulang ang nakurakot.” ang  buhay,… key  ganda kaya kelangan nating maligaya.

  • 14 Comments
  • Filed under: Winter
  • *alaala*

    My eyes filled with tears i have much to share with you about what I’ve been up before in Dubai and i wanted to share a really sad story of an indonesian woman,. Every situation, there is something valuable and positive that you can offer if you really want. I Recall the things that i have held of that woman, her name is Suryati and i never forget the most sincere, meaningful and valuable gift she gave me, “a ring”.
    Si Suryati ay isang katulong lamang, masayahin, mabait at higit sa lahat matapat sa kanilang Allah, lima ang anak na sinuportahan sa kanilang lugar sa west java Indonesia. Apat na taon syang nag tatrabaho bilang utusan sa Mina K.S.A, hanggang sa nag wakas ang kanyang kontrata doon at nangibang bansa uli, sa Dubai ang tungo at dun ko sya nakilala.
    Isang araw dumating si Suryati galing Indonesia bitbit ang kanyang maliit na bagahe at sa kabilang kamay naman isang plastik o supot na ang laman ay pagkain, sa pangambang baka di sya pakakainin ng amo nya eh di may makain sya, huh!. Habang hinihintay ko ang maging amo nya, nag kwentuhan muna kami sa loob ng opisina sa salitang arabic (*oops! mabilang lang ang arabic words ko at barok pa*) dahil di sya marunong mag english, subalit kaya nyang sumulat at bumasa ng (Bahasa Indonesia)pambansang wika nila, yon lang daw ang napag aralan nya. Sa mga kwento ni Suryati pinilit nyang mangibang bansa dahil sa layunin nyang mapatapos ang limang anak sa pag aaral. Papano ba nya kakayanin ang nakalaan sa kontrata bilang utusan sa gitnang silangan, na ganito; walang day off, limitado ang pag gamit ng telepono kahit para sa naiwang pamilya, at di pwedeng lumabas ng bahay, katunayan nga mas sobra pa sa tinatawag na kulungan, mabuti pa ang isang bilanggo na walang pag asang lumaya di naman subsob sa trabaho.
    Sa dinami dami kong nakausap, ma pinay, srilankan, indian, bangladesh at nepal ay halos katulad ang banggit ng problema sa buhay. Minsan, masakit sa aking kalooban kapag pinay ang makausap ko at sabihing maswerte ako dahil nakaupo lang at malaya, pero sa totoo walang maswerte pag amo mo arabo, kahit mabait man sya at pagkausap nya ay arabo din paniwalaan pa rin ang mali key sa iyo na tama.
    Isang araw binalik si Suryati sa agency na pinagtrbahuan ko at ngitngit sa galit yong among babae dahil magnanakaw at hindi raw marunong magtrabaho ang nakuha nyang katulong, huh! naawa ako kay Suryati umiiyak at may sakit nilalagnat sya nun, wika ng bruhang amo nya nagnakaw si Suryati ng 10,000 dirhams at pinadala sa Indonesia, nagmakaawa at lumuhod ang kawawang Suryati na hindi totoo ang lahat. Sa totoo di ko mahaka ang sitwasyon na yon dahil pati ako kinilabutan na rin. Gumawa ng kasunduan ang tagapangasiwa ng agency (*amo ko*) na kelangan mag trabaho si Suryati na walang sahod ( *hanggang sa buo nyang mabayaran ang 10,000 Dirhams*) kon di ipakulong sya. Bakit ganun sila? tao rin naman si Suryati ah, bakit tinatrato na parang hayop?!
    Iniwan si Suryati sa opisina at ang kasunduan, na kinabukasan kukunin uli at mag trabaho, huh! kahit ba may sakit? :( awang awa ako sa kanya. Tinanong ko si Suryati sa mga pangyayari, binugbog pala sya at alas 3:00 ng madaling araw sya patulugin at kelangang magising alas 5:00 ng maaga, kaya pala nagkasakit. :( Naalala ko yong pagmaka awa nya sa akin na tulungan ko raw sya, nalilito ako sa panahong iyon kong papano ko iligtas si Suryati, takot ako,.. ayokong umanib sa gulong iyon dahil alam ko ang ugali ng mga arabo. Pero sinubukan kong kinausap yong amo ko at umaasa na baka sakaling mapauwi si Suryati sa lugar nila dahil may sakit, subalit bigo ang lahat parang di man lang ako narinig, sanhing naniwala sila sa mga bintang laban kay Suryati.
    Kinabukasan maaga ako sa opisina, dinalhan ko si Suryati ng pagkain, pero nadatnan ko syang nakahiga at nanginginig sa taas ng kanyang lagnat, natatakot ako nung time na yon baka mamatay sya at ako ang pagbintangan kaya dinala ko agad sa Iranian hospital, ‘yon kumalma kunti yong pakiramdam nya dahil sa injection. May mga gamot na rin kaya dinala ko sya pabalik sapagkat may trabaho din ako at di ko sya pwedeng iiwan. Pagdating sa opisina sermon ang inabot ko, inakala kasi nila na itinakas ko si Suryati. Ang mga paliwanang ko ay isang mali para sa kanila, bakit ganun? nasaan yong dandamin nila para sa isang katulad ni Suryati?.

    Samakatuwid, naisipan kong lumaban at ilabas ang pagka pinay ko, basta ang alam ko sa Dubai tanyag ang pinay na matatapang, pero bakit duwag ako? napaisip..ah, bahala na! “expect the worse and hope the best” malay ko tatalab ang huling panakot na wari nga’y “huling alas”. Tinawagan ko yong bruhang amo na sa kasalukuyang papunta na sa opisina upang kunin si Suryati, ganito ang pagka sabi ko;
    Ako; Madame, may sakit si Suryati kawawa naman kong magtrabaho sya na walang sahod (*super nginig at parang ako ang bitayin sa eksenang iyon, pati salita ko halo halong english at arabic para siguradong naintindihan ako*) ngunit nasain ko ba ang malambot na tinig ay sinuklian ng tila umungal na Leon, oo minura ako na higit pa sa hayop datapwa’t naipakita ko pa ring mag tumapang sa duwag kong kalooban. Lumaban pa rin ang nanginginig kong buong kalamnan,
    ako uli; Pag totoo kang Islam hindi ka sinungaling (*bolatik ko lang yon*) may Qur’an ako dito sa opisina,(*bolatik pa rin*) ipapatong ko muna sa ulo mo dito mismo sa harapan ng amo ko, ngayon hihintayin kita sa pagkuha mo kay Suryati. Ouch! sakit ng tenga ko, binagsakan ako ng telepono ok lang,! tsaka, bahala na si batman sa akin nagpaliwanag pa rin ako dun sa amo ko, siguro narinig nya mga pangangatwiran ko laban sa bruhang yon., himala nakaimik lang si dugyot (*amo ko*),. Napaisip akong bigla epek na kaya sa panakot ko? sana Lord, please..
    Walang bruhang dumating sa opisina, medyo napanatag ang pag iisip ko sa araw na iyon pero makatulog kaya ako ng mahimbing sa walang katiyakang sitwasyon, malay ko baka bukas dadating sya.
    Sa maikling kwento, walang employer na nagpakita o tumawag sa opisina. Nagpasya ang agency na puwiin si Suryati sa Indonesia pero pano makapag byahe lalong lumala ang sakit nya, :( magunita ko ang panahong iyon natutulog syang mag isa sa isang kwarto sa opisina at umuungol sa kanyang karamdaman, ewan! bakit takot akong dalhin sya sa aking tinutuluyan, oo dahil takot akong baka mamatay sya at marahil ako pa ang mabitay . Tiniis kong pag silbihan si Suryati gabi na ako uuwi dahil pinapakain, painumin ko sya ng gamot at pinapalitan ng damit, maaga din akong pumasok para may kunting oras din ako sa kanya, kahit weekend binabantayan ko sya dahil awang awa talaga ako sa kanya. Hanggang sa kaya nyang lumakad mag isa at gusto nyang magpagaling sa kanilang lugar, kaya humingi ako ng permiso sa amo ko na patawagin sya sa kanyang pamilya para masundo man lang sa airport kong sakaling makapag byahe na sya., narinig ko ang pinag usapan nila ng kanyang pamilya pero wala akong naintindihan, ramdam ko ang lungkot sa isat isa :( nakaka awa.

    Gayon pagkaraan ng dalawang araw takda ng byahe nya pauwing Indonesia. Maaga yong lipad nya kaya maaga din syang hinatid sa himpilan ng mga eroplano. Ang umagang iyon wala ng Suryati ang nadatnan ko sa opisina, at balik na sa karaniwan ang trabaho ko,. Napansin ko ang puting sobre nakapatong sa ibabaw ng aking mesa, nang binuksan ko isang singsing at larawan ni Suryati (*sayang naiwan ko sa Dubai yong pic*) at sulat nya, na ganito; ” M. Ethel inti zen wayed shukran” ibig sabihin, napakabuti mo at maraming salamat aww..! *nakakalusaw ng puso* nag abala pa sya, alam ko malaking tulong ito sa kanyang pangangailangan pagdating dun sa kanila, wala man lang syang kapera pera :( mga limag buwan lang sya sa Dubai at tatlong linggo syang nakakulong sa opisina dahil sa kanyang sakit at di ko rin alam anong sakit meron sya, naalala ko lang walang tigil yong lagnat, sakit ng ulo at ubo nya. Alam ko hindi nya ako nalimutan at di ko rin sya malilimutan habang suot ko ang isang alaala na ito. Minsan naisip ko, nakarating kaya si Suryati sa Indonesia? Gumaling kaya sya? paano na kaya yong mga anak nya? Sana masaya sya ngayon., sana..

    “Huwag mong palampasin ang isang
    pagkakataon sa pagbibigay ng lakas ng loob at kabutihan sa iyong kapwa tao,. Hindi lahat ng gunggong ay pipi”
    Haay buhay sa gitnang silangan.

  • 27 Comments
  • Filed under: Winter
  • SweetKendi

    I Joined

    BisdakPlanet Foundation aims to help our less fortunate “kababayans” and is dedicated to helping the Filipino children.

    Litratong Pinoy

    Archives

    Categories

    Visitors


    Author


      Hello I'm a mother of identical twin boys Marc and Mike. Yeah,double blessing but also a double challenge. My house is still a mess!
      -One of the coolest parts about being a mom of twin boys is that I have an escort for each arm.- (N.T)

    MacMik Logo

    • Recent talks:

      • Lhyz: hi te ethel! hope u still remember me.. hehe Lhyz po..sobrang tagal na..friend ni valerie if u remember...
      • Liezl: Hi thel, liezl ni. Basa-basa lng ko imo mga posts diri ug sa fb :) big boys na ang kambal gayud…kanus-a...
      • AL: lahat ng updates ko nakadraft hahahah… wala din kasi along time. add mo ako sa fb…...
    • Recent Trackbacks: